Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na hindi totoo ang kumakalat na balita online hinggil sa isa sa mga ospital nito ang nakalockdown dahil sa isang pasyente na may COVID 19.

Ayon sa DOH, walang ospital ang kasalukyang naka-lockdown at nanatiling fully operational ang lahat ng mga ito.
Umapela din ang ahensya sa publiko na maging vigilante sa pagbabahagi ng impormasyon at maniwala lamang sa mga balita at impormasyon ng DOH.
Nilinaw din ng East Avenue Medical Center na walang katotohanan ang text message at tsismis na ang ospital ay nasa emergency lockdown dahil sa COVID.