DOH, nilinaw na walang pagtaas sa COVID severe, critical cases

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang pagtaas sa percentage ng severe at critical cases ng COVID-19 sa kanilang daily reports ay resulta lang ng naantalang validation sa status ng naturang mga kaso at ang mababang bilang ng mga active infections.

Batay sa bulletin ng DOH noong November 1, mayroon lang 7.2 percent na mga severe cases at 3 percent critical cases mula sa 43,185 active COVID-19 infections sa bansa.

Pero mula November 24, tumaas ang bilang ng severe cases sa 14.4 percent at 6% naman sa critical patients mula sa 17,864 total active infections.

Giit naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi ito ang sitwasyon sa ground.

Sinabi rin ni Vergeire, na ang severe at critical patients ay hindi kasama sa time-based tagging ng mga kaso, kung saan ang mild, asymptomatic, at moderate cases ng COVID-19 ay otomatikong tinutukoy bilang recovered sa oras na umabot na sila sa 14th day ng quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *