DoH, pabor kung ma-eextend pa ang mask mandate

Naniniwala si outgoing Health Secretary Francisco Duque na mas makabubuti pa rin kung mananatili ang mask mandate kahit na sa susunod na administrasyon.

Ito ang naging tugon ng kalihim sa gitna pa rin ng usapin ng pagtatanggal ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga outdoor areas sa Cebu Province.

Ayon kay Duque, kung siya ang tatanungin ay irerekumenda niyang ma-extend na muna ang pagsusuot ng face masks dahil sa proteksyong ibinibigay nito sa publiko, hindi lamang sa COVID-19, kundi gayundin sa iba pang mga karamdaman.

Sa huli, naniniwala ang kalihim na matatagalan pa talaga bago tuluyang mawala ang virus, kaya naman dapat ay matuto na raw tayo kung paano ito i-manage.

Umapela rin ito sa publiko na tuloy pa rin sa pagsunod sa mga health protocols para maiwasan ang projected na muling surge ng mga COVID-19 cases sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.