DoH, pinababantayan ang PH borders mula sa mga bansang may monkeypox outbreak

Pormal nang inatasan ng Department of Health ang concerned agencies para bantayan ang mga entry at exit points ng bansa sa gitna ng banta ng nakahahawang sakit na monkeypox.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pinagagalaw na nila ang Bureau of Quarantine para higpitan ang monitoring sa mga pasaherong magmumula sa mga bansang mayroon nang kumpirmadong kaso nito.

Kabilang na diyan ang central at west Africa.

Pinaigting din ang screening para sa sintomas ng mga inbound passengers.

Mababatid na nagpatawag na ng emergency meeting ang World Health Organization matapos maitala ang outbreak ng monkeypox sa ilang rehyon.

Kasama sa mga bansang mayroon nang kumpirmadong kaso nito ay UK, Amerika, Canada, at iba pang mga bansa sa Europa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *