DOH, pinag-aaralan na ang posibleng pagli-lift ng border restrictions sa bansa

Nilinaw ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin maiuugnay ang pagluluwag ng mask mandate sa naitalang bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Vergeire na mag-iisang linggo pa lang din nang luwagan ang mandatory wearing of face masks kaya hindi pa rin ito direktang naka-apekto sa mga kaso ng nakahahawang virus sa bansa.

Sa ngayon, epekto pa rin aniya ito ng mas mataas na mobility ng publiko, kabilang na rin ang pagbubukas ng face-to-face classes.

Sinabi pa ni Vergeire na marami pa ring mga Pilipino ang pinipiling magsuot ng face masks sa labas ng kanilang mga tahanan kahit na optional na lamang ito sa mga outdoor areas.

Isiniwalat din ng Health official na mayroon nang pagaarl para sa pagluluwag ng border restrictions sa bansa.

Sa kabila nito, masusi pa rin umano itong tinitimbang ng IATF, at sinisugurong naka-align pa rin ito sa direktiba ng Pangulo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *