DOH probe vs ospital na nagbalot ng packaging tape sa isang bangkay

Iniimbestigahan na ng Health Department ang mga reports na may lalaking namatay dahil sa road incident sa Nueva Vizcaya ay binalot ng packing tape, para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, matapos paghinalaan ng ospital na ito ay infected.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay labag sa batas at protocols sa kung papaanu maghawak ng bangkay.

Paliwanag ni Vergeire, kung ang isang tao ay namatay dahil sa notifiable infectious disease, ito ay maayos na ipapasok sa body bags at iki-cremate sa susunod na 12-oras.

Dagdag nito, regular din ang pagsusuplay ng DOH sa mga ospital ng body bags, lalo na para sa COVID-suspected remains.

Mababatid na batay sa ulat, isinugod si Merwin Jay Sapipi sa Region II Trauma and Medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya, matapos ang road incident, kung saan binalot ito ng pamunuan ng ospital ng packaging tape nang pumanaw noong May 1 bilang precautionary measure, pero sa paglabas ng resulta, ito ay negatibo sa COVID-19. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *