Pinangunahan ni DOH Secretary of Health Teodoro J. Herbosa ang isinagawang ceremonial signing ng pledge of commitment at awarding ng ga nanalo sa Digital Art Contest.
Kasabay ito sa Relaunching ng HIV Control Program sa mga DOH Hospitals sa Region 3 na isinagawa sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) Auditorium sa Balanga City, Bataan.
Layon ng aktibidad maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng comprehensive HIV services alinsunod sa universal healthcare.
Dumalo rin sa programa ang mga opisyal ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Joet at pamunuan ng iba’t ibang ospital sa Central Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DOH Central Luzon
