Inaasahang darating na sa Pilipinas sa mga susunod na buwan ang mahigit isang milyong doses ng bivalent COVID-19 vaccines na donasyon sa pamamagitan ng COVAX facility at iba pang mga bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang batch ng bakunang darating ay hindi pa kasama ang mga nakatakdang bilhin ng gobyerno.
Binigyang diin naman ng ahensya na wala pang bivalent vaccines na ibinigay sa bansa sa ngayon.
Matatandaan na bago magtapos ang 2022, ibinunyag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naglabas na ang Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer.
Plano naman ng DOH na gawing available ang bivalent vaccines sa Pilipinas, ngayong unang quarter ng 2023.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…