DOH: Tumaas ang tawag sa mental health hotline noong Abril

Ibinahagi ng Department of Health na tumaas ang bilang ng mga tawag sa crisis hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) noong Abril, sa gitna ng surge sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatanggap ang NCMH ng average na 60 tawag bawat araw at 1,805 calls sa kabuoan ng Abril.

Mababatid na noong Enero, nasa 1,089 na mga tawag ang natanggap ng NCMH; 1,126 noong Pebrero at 1,604 noong Marso.

Dagdag ni Vergeire, ang 31% ng mga tawag noong nakaraang buwan ay mula sa mga taong nakakaranas ng anxiety o depressive symptoms, habang 22% ang humingi ng referrals para sa isang psychiatrist o psychologist.

Una nang inihayag ng DOH na tumaas ang mga tawag sa NCMH hotline sa unang quarter ngayong taon, kumpara sa kaparehong period noong 2020.

Ang NCMH Crisis Hotline ay available 24/7 sa 0917 899 8727 (USAP) at 989 8727 (USAP). // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *