DOJ, hinihingan ng legal opinion kaugnay ang MOA ng DOE at DENR para sa ilang mga offshore wind projects

Hinihingan ng legal opinion ang Department of Justice (DOJ) sa isang memorandum of agreement (MOA) na nakatakdang lagdaan ng Department of Energy (DOE) kasma ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para ma-sort out ang pangamba ng mga investors sa foreshore at seabed leases na ipatutupad para sa offshore wind (OSW) projects.

Ibinunyag ni Energy Undersecretary Sharon S. Garin na may draft MOA na sa pagitan ng DOE at DENR, pero may ilan lang umano silang mga inquiries sa DOJ para sa rekomendasyon ng MOA

Dagdag pa ni Garin, hindi niya muna nais panguinahan ang partikular na mga polisiya sa MOA, ngunit sinusubukan umano nilang isaayos ang utilization agreements para sa offshore wind.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na sa sandaling matiyak nila ang legal opinion mula sa DOJ, maaari na silang mag-proceed sa paglagda ng MOA, at mag-iisyu na sila ng Department Order para masuportahan ang mga polisiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *