DOJ, inaasahang mailabas sa Nobyembre ang resolusyon ng mga reklamo laban sa SBSI

Inaasahan ng Department of Justice na ilabas sa Nobyermbre ang resolusyon ng mga reklamo laban sa mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) para sa trafficking at pang-aabuso sa mga menor de edad.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix, target nila ang kalagitaan ng Nobyembre dahil kinakailangan pa nilang mag-file ng supplemental complaint, matapos lumabas ang mga bagong witness at alegasyon laban sa SBSI.

Aniya, alam nilang importanteng usapin ito kaya sinisikap ng ahensya na agad nilang ma-release ang resolusyon sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *