DOJ, nais muling buksan ang trial kaugnay sa naisumiteng drug case vs De Lima

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa court na muling buksan ang paglilitis sa isa sa natitirang drug case laban kay senator Leila De Lima, na ngayon ay submitted for decision na para magpresenta ng “rebuttal evidence” laban sa kanya.

Ito’y matapos na maghain ang DOJ ng urgent motion for reconsideration sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204, na humihiling na muling buksan ang Criminal Case No. 17-165 ni De Lima.

Ayon sa legal counsel ng dating senadora na si Atty. Filibon Tacardon, na naabisuhan na umano ang kanyang kliyente hinggil sa biglaang hakbang ng DOJ.

Sinabi naman ng prosecutors sa kanilang mosyon, na magsusumite sila ng exhibits sa gagawing presentation of evidence sa kapwa akusado na si Ronnie Dayan, kasama ang testimonya mula kay Public Attorney’s Office’s lawyer Demiteer Huerta.

Sa gitna nito, maghahain ang kampo ni De Lima ng oposisyon sa naturang mosyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *