DOJ, nakapaghain na ng  20 kaso kaugnay ng serye ng pagpatay sa Negros Oriental

Nakapagsampa na ng 20 kaso ang Department of Justice kaugnay ng mga nangyaring pagpatay sa Negros Oriental mula 2019 hanggang 2023.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni Justice Undersecretary Jessie Andres na sa 20 kaso na isinampa sa korte, dalawang kaso ang na-dismiss, at isang kaso ang nai-archive.

Ayon kay Andres, isa sa mga na-dismiss na kaso ay ang radio announcer na si Dindo Generoso.

Samantalang na-dismiss ang kaso ni Edmund Sestosa matapos bawiin ng kanyang asawa ang reklamo.

Naka-archive naman ang kaso ni board member Miguel Lopez Dungog dahil hindi umano matagpuan ang akusado at kasalukuyang nakalalaya.

Sinabi ni Andres,  ipapa-raffle ang mga kaso at maglalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado sa mga kaso.

Itinuturing ng DOJ na politically colored  ang mga pamamaslang dahil ang mga biktima ay miyembro ng media, councilors, kagawads, board members, at barangay captains.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *