DOJ, nakatanggap ng balitang buhay pa at nagtatago lang si Zulueta

Nakatanggap umano ang Department of Justice (DOJ) ng lead na nagsasabing buhay pa si Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, isa sa mga suspek sa Percy Lapid slay case.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, nang matanggap nila ang balitang buhay pa si Zulueta, nais agad ng ahensyang matagpuan ito upang makumpleto ang chain of communication.

READ MORE:

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nagtago na si Zulueta ilang araw bago pa ito sampahan ng kaso.

Patuloy namang hinihimok ng awtoridad si Zulueta na sumuko na at harapin ang reklamo laban sa kanya.

Kumpyansa mang matatagpuan ang BuCor Deputy Security Officer, nilinaw ni Clavano na ang hindi paglantad ni Zulueta ay hindi makaaapekto sa mga ebidensyang hawak nila laban kay Bantag. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *