Naniniwala ang Department of Justice na si Cong. Arnolfo Teves ang nasa likod ng pag recant ng apat na suspek sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo na nauna ng itinanggi ng opisyal.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV, naninindigan silang matibay ang kaso laban kay Teves at ang ginawang pagbawi ng sinumpaang salaysay ng mga suspek ay tila laro na ginagawa ang mambabatas para sirain ang mga ebidensiyang hawak nila.
Sa mga nag-recant, sinabi ni Osmundo Rivero na siya ay pinilit at pinahirapan umano ng mga pulis para umamin sa kanyang partisipasyon at kay Teves.
Tinutulan ni Clavano ang mga pahayag ni Rivero at ipinunto niyang walang sinuman sa mga suspek ang pinahirapan sa pag-amin na sila ng mambabatas ay sangkot sa mga pagpatay.//CA