DOJ panel, ibinasura ang motion for reconsideration ni Bantag sa murder cases na isinampa laban sa kanya

Ibinasura ng Department of Justice panel kahapon ang motion for reconsideration na inihain ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa murder cases isinampa laban sa kanya.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at New Bilibid Prison inmate na si Jun Villamor na tinaguriang “middle man” sa pagpatay kay Mabasa.

Hindi nagpakita si Bantag sa mga nakaraang preliminary investigation hearings ngunit hiniling niya sa panel na muling isaalang-alang ang desisyon nito sa pag deny sa kanyang motion for inhibition sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Rocky Thomas Balisong.

Sa kanyang mosyon, binanggit ni Bantag ang reklamong pagpatay na inihain niya laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Office of the Ombudsman. Ngunit ayon sa kapatid ni Percy Mabasa na si Roy, dinenay ng DOJ ang kahilingan ni Bantag dahil walang mga bagong argumentong ipinakita ang kampo nito.

Samantala sinabi ni Balisong na tanggap nila ang desisyon ng panel ngunit nanindigan sila na gagawin nila ang lahat ng legal remedies na magagamit nila sa kasong isinampa laban sa suspended BuCor Chief.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *