DOJ, susulat na raw sa United Nations para ipaalam ang warrant of arrest laban kay dating Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves

Pinaghahandaan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsusualt ng liham sa United Nations para ipaalam ang kasalukuyang estado ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Justice Sec. Boying Remulla na fina-finalize na nila ang letter sa UN para sa mga arrest warrants na inisyu laban kay Teves.

Kabilang na rin umano rito ang pagde-designate sa kaniya bilang isang terorista.

Sa ngayon, patuloy pa rin umanong mahigpit ang monitoring nila laban sa dating Kongresista kaya naman in-alerto na rin ang buong mundo para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *