DOJ, target na ipatupad ang ‘no settlement’ sa mga kaso ng incestuous rape at child abuse

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na plano nilang bumuo ng mga panuntunan na magpipigil para sa pag-aareglo sa mga kaso ng incestuous rape at child abuse.

Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng pulong nito sa mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Information and Communication Technology (DICT), at ng Child Protection Network Foundation (CPN) kaugnay sa incestuous rape.

Ayon sa kalihim, isasangguni umano nila ito sa sa Court Administrator at marahil ay susulat din sila sa Chief Justice upang makaroon ng guidelines ang Korte Suprema sa mga korte, na wag ‘pumayag sa aregluhan ng mga ganoong uri ng kaso.

Giit nito, na ang ugali ng gobyerno sa naturang mga kaso ay dapat maging “non-negotiable.”

Para sa opisyal, nasa “state of emergency” ang bansa pagdating sa usapin at kaso ng sexual abuse sa mga bata. Batay kay Child Protection Network Foundation executive director Bernadette Madrid, isa mula sa 20 Pilipino kabataan ang nakakaranas ng sexual violence, kung saan mayorya sa mga supek ay pamilya mismo ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *