DOJ, tiwala na mapapabalik na sa Pilipinas si Teves bago matapos ang buwan ng Hulyo

Kumpiyansa ang Department of Justice na mapapabalik na sa Pilipinas si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Sec. Mico Clavano, kahit umapela pa ang kampo ni Teves ay tiwala silang kakatigan pa rin ng Korte ang ahensya.

Naniniwala rin si Clavano na uubusin ng kampo ni Teves ang 30 araw na ibinigay para makapaghain ng motion for reconsideration.

Tiniyak naman ni Clavano na hindi papaboran ang hiling ni Teves para sa political asylum na una nang ibinasura ng Korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *