Doktora na nagmura sa kanyang pasyente, iniimbestigahan na – ONP

Mayroon ng “fact finding committee” ang Ospital ng Palawan sa doktorang inirereklamo na minura ang kanyang pasyente.

Ayon kay Dr. Audie Cipriano ng Ospital ng Palawan, ang imbestigasyon umano ay posibleng tumagal ng dalawang linggo dahil sa marami pang mga isasagawang interview kaugnay sa reklamo.

Siniguro naman ni Dr. Cipriano na ang pamunuan ng ONP ay hindi nagpapabaya, lahat ay idadaan sa proseso at walang pinapanigan sa mga reklamong natatanggap lalo na sa kanilang mga empleyado.

Kung matatandaan, inilapit sa Brigada News FM ng isang pasyente ang ginawa umanong pagmumura ng isang doktora na kung saan ay narinig at naaalala pa ng kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *