DOLE Bicol, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit may mga benepisyaryo ng TUPAD na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang mga sahod

Ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon ay mayroon pa ring mga benepisyaryo ng TUPAD program ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang sahod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOLE Bicol spokesperson Johana Gasga, sinabi niyang isa sa mga dahilan nito ay may mga benepisyaryo na kulang ang mga isinumiteng dokumento na kailangan sa nasabing programa.

Aniya, hinding-hindi ito ipoproseso ng ahensya hangga’t hindi sila kumpleto sa mga requirements.

Pangalawa, kapag nakita nila umano na mayroong duplication sa mga pangalan ng benepisyaryo sapagkat kailangan itong ibalik at nararapat na i-verify.

Maliban pa rito, kung isa lamang sa grupo ang hindi nakapag-DTR, ay lahat umano ng miyembro ng grupong iyon ay maapektuhan din at hindi makakatanggap ng kanilang sahod dahil ang nasabing programa ay isang community package at hindi naman pang-indibidwal. Ayon pa sa kanya, ang katuwang nila sa TUPAD ay maaaring ang mga LGU, pamahalaang panlalawigan o ang worker’s association at sila umano ang magpoprofile at magbibigay ng listahan ng mga benepisyaryo sa kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *