DOLE-Catanduanes, ipinaalala sa mga employer sa lalawigan na mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay

BNFM BICOL— Ipinaalala ng Department of Labor and Employment o DOLE-Catanduanes sa lahat ng mga employer sa islang lalawigan, na mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay sakanilang mga empleyado.

Sa isang panayam inihayag ni DOLE Provincial Field Officer – Rosemarie Cleofe na mandatory ang pagbibigay ng nasabing benepisyo kahit na nagsara pa ang negosyo dahil sa pandemya lalo na kung pumasok pa rin ang mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, binigyang linaw naman ng opisyal na magkaiba ang 13th monthy pay sa Christmas bonus. Ang 13th pay umano ay mayroong computation at mandatory alinsunod sa umiiral na batas, habang ang Christmas bonus ay hindi mandatory na ibigay, at nakadepende na lamang sa employer at kompanyang pinagta-trabahuhan. Bukod dito, wala ring limit ang halaga ng ibibigay na bonus.

Maaalalang isinailalim sa MGCQ ang lalawigan ng Catanduanes nitong buwan ng Oktubre habang ngayon naman ay nakataas sa lalawigan ang Alert Level 4 dahilan upang magsara ang ilang mga negosyo na apektado ng mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions.

Ganunpaman, una nang pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring mag-apply ng loan sa gobyerno ang mga nasa industriya ng Micro Small Business kung hirap ang mga itong makapagbigay ng 13th month pay sakanilang mga empleyado.

Walang magiging interest ang naturang loan, hindi rin kinakailangan ng kolateral at maaaring bayaran sa loob ng 12 buwan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *