Editors Pick

DOLE, DOH, DepEd, at iba pang mga ahensya ng gobyerno, suportado ang Sogie equality bill

Nagpahayag ng kanilang suporta ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa Sexual Orientation and Gender Identity Expression (Sogie) equality bill.

Ayon kay  Rep. Geraldine B. Roman, 12 oroas ang inilaan sa pakikinig sa mga resource persons para sa mga pabor at tutol ng kasalukuyang bersyon ng Sogie equality bill, na unified version ng House Bills  222, 460, 3418, 4277, 5551, 6003 at 7036.

Kaugnay nito, sinabi ni Adriel Pizarra, isang medical officer na nagsalita para sa Department of Health (DOH), na suportado umano ng DOH ang house bills na naglalayung protektahan ang fundamental rights ng lahat ng indibidwal laban sa anumang uri ng diskriminasyon base sa kanilang sexual orientation, gender identity and expression, at sexual characteristics.

Ganito rin ang pananaw ng Department of Labor and Employment (DOLE), dahil may mga hakbang din umano ito na pomoprotelta sa mga tao mula sa gender-based discrimination sa workplace. Sa panig naman ng Technical Education And Skills Development Authority, handa umano silang magbigay ng suporta sakaling maipasa bilang batas ang naturang panulala, maging ang Philippine National Police (PNP).

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago