DOLE-Palawan, pinabulaanan na nakikihati sa kinukuhang ayuda ng mga benepisyaryo sa ilalim ng CAMP bayanihan 2

Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Palawan ang alegasyon na nakikihati sa kinukuhang ayuda ng  iba’t ibang sektor na manggagawa sa ilalim ng Coronavirus Adjustment Measures Program (CAMP) Bayanihan 2.

Ang alegasyong ito ay ipinarating sa himpilan ng Brigada News FM mula sa ilang nagrereklamo.

Ayon sa ipinaabot na reklamo, tinatakot sila ng ilang opisyal ng barangay na kapag hindi magbibigay ng halaga sa natanggap na P5,000 kapalit sa pagproseso ay masasampahan sila ng kaso , sangkot din umano rito ang ilang empleyado ng DOLE.

Sinabi ni Luis Evangelista ng DOLE –Palawan, walang sinuman ang maaaring makialam sa mga natatanggap na cash assitance ng mga benepisyaryo.

“Posibleng nagagamit lang ang pangalan ng opisina” saad ni Evangelista

Maaring isumbong sa kanilang tanggapan ang ganitong klaseng  modus upang matukoy kung saang lugar ito nangyayari.

Paiimbestigahan din ng DOLE kung may ilang empleyado ang sangkot sa nababanggit na alegasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *