DOLE Region 2, hinimok ang 200 former rebels na palaguin ang negosyong gasolinahan

𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟬 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗦𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 Hinimok ng Department of Labor and Employment Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. ang nasa 200 na dating rebelde na alagaan at palaguin ang natanggap na portable fuelhood o fuel livelihood.

Sa datos ng kagawaran, nasa pitong asosasyon ng former rebels sa San Mariano, Isabela ang nakatanggap ng portable fuel retailing project upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa malalayong barangay.

Katuwang ng DOLE sa nasabing proyekto ang Philippine Army, PNP at Local Government Unit kung saan aabot sa P4, 000, 000 na halaga ng pangkabuhayan ang ibinigay kabilang na ang fuel retailing project at farm input sales.

Ipinunto naman ng 95th Infantry Battalion at of 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang pagtiyak ng kaligtasan, seguridad at suporta sa kabuhayan ng mga formel rebels at mga residente sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *