DOLE – Suspension ng OFW deployment sa Israel, posibleng tanggalin na

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posible nang tanggalin ang suspension sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel.

Ayon kay Bello, anumang oras ay posibleng ianunsyo ang paglift sa suspension.

Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na kailangan pa ng DOLE na makipag-coordinate sa Department of Foreign Affairs bago pagdesisyunan kung kailangan na ba talagang i-lift ang suspension.

Matatandaan na pansamantalang itinigil ng DOLE ang deployment ng mga OFWs sa Israel noong Mayo sa gitna ng tensyon sa pagitan ng militar ng Israel at Gaza militants. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.