Dolly De Leon, nominado bilang supporting actress sa BAFTA para sa ‘Triangle of Sadness’

Nominado ang Filipino actress na si Dolly De Leon sa Supporting Actress category ng 76th British Academy Film Awards para sa kanyang pagganap bilang toilet manager sa g pelikulang “Triangle of Sadness.”

Siya ay nominado para sa parangal kasama sina Angela Bassett (“Black Panther: Wakanda Forever”), Hong Chau (“The Whale”), Kerry Condon (“The Banshees of Inisherin”), Jamie Lee Curtis (“Everything Everywhere All At Once”), at Carey Mulligan (“She Said”).

Ang BAFTA nomination ni De Leon ay kasunod ng kanyang kamakailang nominasyon sa United States’ Golden Globe Awards bilang best supporting actress.

Ang 2023 nBAFTA ceremony ay gaganapin sa February 20.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *