Domestic economy, posibleng bumalik sa pre-pandemic level sa 2nd quarter ng 2022

Posible nang bumalik sa pre-pandemic level ang domestic economy ng Pilipinas, lalo na pagdatong sa usapin ng mga aktibidad, sa ikalawang quarter.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dahan-dahan nang bumabalik ang consumer confidence atd business activities, simula nang luwagan ang restrictions sa Alert Level 1 sa maraming lugar sa bansa.

Sa gitna nito, tumaas rin umano ang consumer spending, sa kabila ng inflation.

Kaugnay nito, inaasahang makakatulong ang mataas na vaccination rate para mabawasan ang epekto ng pandemya, habang ang pagsunod sa mga health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks ay nakatulong rin para mapababa ang lebel ng infections.

Dagdag ni Concepcion, ngayon na tapos na ang halalan, kailangan tutukan na ng gobyerno ang paghimok sa mga tao na pagpaturok ng kanilang booster shots, kabilang na ng second boosters para sa mga 50-taong gulang, pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.