Dominguez, nanawagan sa Kongreso na ipasa na ang ilang key economic reform bills

Muling nanawagan si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Kongreso na ipasa na ang mga natitirang economic reform measures ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang na rito ang mga panukala na naglalayon na i-liberalize ang ekonomiya, reporma sa tax system, at ang pagpapalawak ng capital markets ng Pilipinas.

Sa pahayag ng kalihim sa 7th general membership meeting ng Financial Executives Institue of the Philippines, ay binanggit nito ang tungkol sa approval ng amendments sa Foreign Investment Act, sa Public Service Act, at sa Retail Trade Liberalization Act.

Iginiit ni Dominguez na walang makukuha ang bansa mula sa close-minded attitude pagdating sa foreign investments.

Anya, dahil sa nagpapatuloy na globalization ng supply chains, ay kailangan na ng bansa mag-liberalize sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay pwedeng mapag-iwanan ang Pilipinas.

Ipinunto rin ng Finance chief na para ma-secure ng bansa ang fiscal stability nito at mapalakas ang resilience ng Philippine economy laban sa mga economic shocks sa hinaharap ay dapat na rin ipasa ng Kongreso ang mga natitirang comprehensive tax reform packages.

Mababatid na kabilang sa mga tinutukoy na tax reform packages ng kalihim ay ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act of Package 3 at ang Passive Income and Financial Intermediaries Taxation Act o Package 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *