Relasyong Donnalyn at JM – confirmed na!

Inanunsyo ng Content creator na si Donnalyn Bartolome na boyfriend na niya ngayon si JM de Guzman.

Sa isang mahabang post sa social media noong Sabado inalala ni Bartolome kung paano ginising ni De Guzman ang pag-ibig na inakala niyang hindi na niya ibibigay.

Mahigit isang taon at kalahati ring nagsikap sa De Guzman, at ipinakita kay Bartolome ang kahulugan ng tunay na pag-ibig.

Ayon kay Bartolome, isang araw ginising nalang sya ng pagmamahal na hindi nya akalain, at kahit hindi na sya naniniwala sa forever… nabago nito ang pananaw nya.

Dagdag pa nito nakuha ni De Guzman ang kanyang puso matapos na hindi maniwala sa kahulugan ng pag-ibig sa mahabang panahon.

Noong Oktubre ng 2022, nagsagawa si Bartolome ng isang sorpresang birthday party para kay de Guzman, na nag-udyok sa aktor na sabihin na kung sino man ang magiging boyfriend niya ay isang masuwerteng lalaki. (BRIGADA NEWS INTERN-HANNA MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *