SORSOGON CITY – Aprubado na ng Pamahalaang Bayan ng Bulan, Sorsogon at ng Department of Science and Technology (DOST) Regional Office ang planong pag lunsad ng enhanced process at quality Sardines making.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, malaking tulong ito para mas mapalawak pa ang mga kaalaman ng mga Fish Product Producers Associations ng bayan sa pag buo ng kanilang mga quality at market-value na produkto lalong lalo na at sila ang magiging pangunahing benepisyaryo ng proyekto.
Malaking tulong rin umano ito para maiwasan ang pagkasayang ng mga tamban lalo na sa peak season nito kung saan nagkakaroon ng over supply.
Nangako naman ang LGU na magbibigay sila ng P100,000 sa mga benepisyaryo.
Samantala, malaking tulong rin umano para maiwasan ang over supply ng tamban ang nagpapatuloy na konstruksyon ng isa pang cannery na inaasahang magiging operational ngayong taon.