Pagsasagawa ng mga festival mapapayagan na kung bumababa ang kaso ng COVID 19-DOT Bicol

LEGAZPI CITY – Posibleng mapayagan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagsasagawa ng mga Festival sa Bicol Region kung sakaling bumaba na ang nagpopositibo sa Coronavirus Disease (COVID) 19 sa rehiyon.

Ayon kay Herbie Aguas, DOT Bicol Regional Director, halos dalawang taon rin na walang mga aktibidad o festival sa mga lalawigan o bayan dahil sa banta ng covid 19 sa rehiyon.

Sa ngayon kasi ay malabo pa umano ibalik ang festival dahil sa muling dumarami ang nagpositibo sa naturang sakit sa bawat lalawigan.

Ibabalik lamang ng ahensya kapag nakitaan na covid free na ang Bicol Region at mayroon ng pahintulot mula sa National Inter Agency Task Force (IATF).

Ang Festival ay nakakatulong rin umano ito para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga turista na dumadayo sa rehiyon.

Umaasa ang opisyal na ngayon 2022 ay bababa ang kaso ng covid 19 sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *