DOT may alok na loan sa mga tourism enterprises

May alok na pautang ang Department of Tourism para sa mga tourism enterprises.

Ayon kay DOT secretary Bernadette Romulo-Puyat, naglaan ang kanilang ahensya ng nasa mahigit 6 billion pesos mula sa Bayanihan Act 2, para sa kanilang loan program.

Maaaring makapag loan ang sinumang may negosyo na nasa industriya ng turismo na walang collateral, zero interest at mayroong 1 year grace period.

Samantala, maliban sa loan program, patuloy rin ang pamimigay ng DOT ng tig-lilimang libong piso sa mga empleyado na nasa tourism industry na nawalan ng trabaho o nabawasan ang kita sa kasagsagan ng pandemya.

Sa Pampanga, aabot na sa 21, 154 na empleyado ang nabigyan ng financial assistance ng DOT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *