DOT: ‘We Give the World our Best’, ‘country branding’ lang ‘di tourism slogan

Nilinaw ni Department of Tourism (DoT) Sec. Christina Frasco na ang nag-viral sa social media na ‘We Give the World our Best’ na slogan, ay hindi ang bagong tourism slogan ng Pilipinas.

Kung maaalala kasi, kumalat at nabatikos online ang naturang slogan.

Makikita itong naka-paskil sa ilang mga transport systems at mga double-decker bus sa London.

Katabi ng slogan ay ang retrato ng Filipina-British nurse na si May Parsons, ang kauna-unahang tao na nag-administer ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Frasco, isa lamang itong ‘rallying call’ at ‘country branding’.

Iba pa raw ito sa mismong tourism slogan natin.

Kung maaalala, isinusulong na sa ngayon ang pagpapalit sa matagal nang slogan ng DoT na ‘It’s More Fun in the Philippines’. //via LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *