Iminungkahi ni Batangas 6th District Rep. Ralph Recto sa Department os Transportation ang paglalagay ng body camera sa mga tauhan ng Office of Transportation Security na namamahala sa mga x-ray machine at iba pang security checkpoints.

Ayon kay Recto, hindi lamang aniya magiging pabor ito sa mga pasahero laban sa mga mandurukot na tauhan ng OTS kundi magiging proteksyon din ito sa mga tauhan ng ahensiya sa mga abusadong pasahero.
Sinabi ng mambabatas na ang OTS ay may ₱1-bilyong taunang badyet. Noong 2021, sinabi niyang binigyan ng Kongreso ang ahensya ng ₱331 milyon, at ang natitirang ₱693 milyon ay mula sa Airport Security Fee.
Batay sa datos, sinabi ni Recto , may balance na P207 million ang ASF ‘dividends’ ng OTS na pwedeng aniyang pambili ng mga body cams.//CA