Nagbukas ang Department of Transportation (DOTr) ng central hotline na maaaring tawagan ng publiko para sa mga isyu at reklamo sa transportasyon.

Ang commuter hotline, 0920-964-3687, ay tatanggap ng mga tawag mula araw ng Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang hotline ang magsisilbing channel ng ahensya para makatanggap ng mga reklamo at ulat ng red tape mula sa mga mamamayan sa loob ng mga opisina at attached agencies nito.
Dagdag pa ni Bautista, itinatag nila ang hotline na ito dahil kinikilala nila aniya ang mahalagang papel na ginagampanan ng publiko sa paglikha ng malinis at mahusay na DOTr.