DOTr, nagpaalala laban sa mga naglalabasang anauthorized stored value cards sa mga tren na nabibili lang online

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na tanging ang Stored Value Card (SVC) mula sa AF Payments Inc. (AFPI) lamang ang lehitimong beep card na magagamit sa ilang station ng mga tren sa Metro Manila.

Ang paalala ay kasunod ng naglipanang online accessories kagaya ng charms, trinkets, keychain, bracelets, at iba pang accessories na binibente sa ilang online shop bilang alternatibong SVC.

Kung maalala, ginagamit sa istatsyon ng LRT1, LRT2, at MRT 3 ang pre-reloaded card na ayon sa AFPI sila lamang ang nagmamay-ari ng trademark at logo ng beepTM at nag-iisang nagsusuplay ng mga beep card sa nabanggit na linya ng mga tren.

Samantala, mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang makikitang nagbebenta ng hindi legit na electronic cards habang hindi naman papapasukin sa mga istasyon ng tren ang indibidwal na makikitang mayhawak ng awtorisadong merchandise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *