DOTr, pinag-aaralan ang pagkuha ng serbisyo ng ibang ahensiya para matugunan ang issue ng supply ng plastic cards

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Transportationa ng pagkuha ng serbisyo ng ibang ahensiya ng pamahalaan  para agarang matugunan ang issue sa supply ng plastic cards para s amga lsiensiya.

Dahil sa agarang pangangailangan ng license card, nakikipag-usap na si DOTr Sec. Jaime Bautista sa National Printing Office dahil sa kanilang kapabalidad para mag supply ng mga cards.

Sa ngayon aniya ay nasa “exploratory” stage ang pakikipag-usap ng kalihim sa NPO upang matukoy ang mga posibleng scenaryo kung sakaling kunin ang kanilang serbisyo.

Pinag-aaralan din ni Sec. Bautista na makipag-uganyan sa APO production na isang government owned corporation sa parehong layunin.

Batay sa mga umiiral na batas at regulasyon, kailangan ng Central Bids and Awards Committee ng karagdagang detalye bago ang isang agency-to-agency arrangement  na  maaaring isapinal sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *