Dumulog sa Department of Justice (DOJ) si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista para sampahan ng cyber libel complaint si Manibela Chair. Mar Valbuena at iba.
Ang reklamo ay kaugnay ng umanoโy pagdawit sa kalihin sa sinasabing korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kabilang sa sinampahan ng cybercrime complaint ang isang Aira Panganiban dahil sa pagdawit ng dalawa sa opisyal sa umanoy katiwalian sa ahenysa.
Kung maalala, nitong nakalipas na linggo isiniwalat ni dating LTFRB executive assistant Jeff Tumbago na may P5 milyon lagayan umano ang ahensya kada trasakyon at Bukod sa lagayan sa central office may quota rin sa mga regional offices na aabot sa P2 milyon kada buwan.