DOTr, target na isailalim sa privatization ang EDSA busway sa 2023

Target ng Department of Transportation (DOTr) na ma-privatize ang operasyon ng EDSA busway sa 2023.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, kailangang matapos ang feasibility study sa loob ng taong ito.

Sa pamamagitan umano kasi ng hakbang na ito, mas magiging mabilis ang operasyon sa EDSA busway, at mas magiging profitable.

READ MORE:

Matatandaan na noong Agusto, iminungkahi ng Management Association of the Philippines (MAP) ang pag-privatize sa EDSA busway system para ma-upgrade ang kanilang mga pasilidad para makamit ang global standards.

Sinabi ng DOTr official, na nasa proseso din sila ngayon sa pagkompleto sa terms of reference para sa privatization.

Sa oras na makompleto ang naturang pag-aaral, iimbitahan ang mga private sector para sa bidding o maaring mag-alok ang mga ito ng unsolicited proposal, na i-evaluate ng gobyerno at susundan ng Swiss challenge. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *