DOTr Usec Francisco sinubukan ang Blue lane project sa Matnog port; problema sa fixer, naresolba na

SORSOGON CITY—Personal na tinungo ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Elmer Francisco Sarmiento ang Matnog port para tingnan ang sistemang ipinatutupad sa ilalim ng Blue lane project ng pamahalaang panlalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Matnog Port Blue Lane Officer In-Charge Ambet Imperial, dumaan mismo si Usec Sarmiento sa Blue lane para subukan ang sistema at nakita nito na maayos ang sitwasyon.

Malaking bagay anya ang Blue lane project dahil paunti-unti nitong natugunan ang mga reklamo at problema sa fixer sa tinagurian noon bilang “worst port” sa bansa dahil sa talamak na operasyon ng mga mapagsamantala.

Paliwanag ng opisyal, sa ngayon ay mayroong ibinibigay na queueing number sa lahat ng mga sasakyang dumarating sa pantalan kung saan ipinatutupad ang first come, first out base sa queueing number.

Kung noon anya, pagdating pa lang sa port ng mga sasakyan lalo na ng mga light vehicles ay agad na may mga lumalapit na fixer para alukin ang mga ito na mauna sa pila kapalit ng halaga, ngayon ay wala nang makikitang ganito sa Matnog port.

“…may sistema na kasi ang pagsakay ng barko papuntang Visayas at Mindanao, di na kagaya ng dati pag pumunta ka dyan lalong lao na yang light vehicles maraming lalapit sa sasakyan mo, magpipresyo, fixer. Ngayon, wala ng fixer, di naman namin mapeperfect pero wala ng fixer”, saad ni Imperial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *