DPWH 1st Engineering District naghahanda na rin para sa bagyong Betty

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) First Engineering District ng Camarines Norte ang kahandaan nito sa posibleng maging epekto ng bagyong Mawar o Betty.

Ayon kay District Engineer Edwin Bermal bagamat maganda ang panahon at hindi pa nakakaapekto ang bagyo sa bansa ay dapat lagging “pre-emptive” at hindi umano dapat maging kampante.

Kaugnay nito ay inatasan ni Bermal ang maintenance section na ihanda ang mga gagamiting equipment para sa road clearing operation sakaling magkaroon ng erosion, road slips at anupamang obstruction sa kalsada dahil sa bagyo.

Ani Bermal, natural na routine na lamang umano sa kanila ang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Mandato umano ng DPWH na siguraduhing makapagsagawa agad ng road clearing pagkatapos ng bagyo na kanila naman aniyang ginagawa.

Inaatasan din ni Bermal ang construction section personnel at project engineers na kaagad umaksyon kung sakaling ang mga on -going infrastructure projects ay masira dahil sa bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *