DPWH 3RD DISTRICT, tiwalang walang major defects ang kanilang mga proyekto

Kumpiyansa ang Department of Public Works and Highways 3rd District na walang naitatalang major defects o sira ang mga natapos at kasalukuyan nilang mga proyekto.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, tiniyak ni Engr. II Ryan James Manglicmot, ang tagapagsalita ng DPWH 3rd District na matibay ang mga proyektong  ipinatutupad sa kanilang nasasakupan na kinabibilangan ng mga bayan ng San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Ramon, San Mateo, Angadanan at Alicia.

Aniya, walang aberya o sira ang mga proyekto ng DPWH 3rd District na mga road concreting, multipurpose building construction, bridge retrofitting at flood control sa kanilang nasasakupan.

Maliban na lamang umano sa mga nagdaang proyekto na may nasirang tulay o multipurpose building dulot ng mga malalakas na bagyo.

Kaugnay dito, agad naman itong inaaksyunan ng maintenance team ng DPWH 3rd District kung saan isinasama ito sa report sa Post Disaster Natural Assessment upang mapaglaanan ng pondo ang renovation nito.

Sa katunayan aniya, ngayon pa lamang ay nagsasagawa na ng assessment ang planning team upang maisaayos ang mga kabilang sa road widening at concreting sa 2022 project ng ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *