DPWH Bicol, nagpapatuloy pa rin sa assessment kaugnay ng pinsala sa infrastructure projects dulot ng bagyo

LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang kanilang assessment sa pinsala pagdating sa infrastructure project sa Bicol Region dahil sa bagyo.

Ayon kay DPWH Bicol Information Officer, Justine Dayandante, hindi man gaanong malaki ang naitalang pinsala sa nasabing sektor.

Aniya, nagkaroon lamang ng pinsala ang bahagi ng Albay Diversion Road sa Camarines Sur, kung saan hindi ito nadadaanan ng mga motorista.

Hindi pa masabi ng ahensya kung ilan ang halaga ng pinsala sa nabanggit na lugar dahil nagpapatuloy pa rin naman ang damage assessment nila.

May mga lugar sa rehiyon na naapektuhan din ng bagyo, kung saan ay isang linya lamang ang maaaring madaanan dahil sa mga naitalang landslides sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *