DPWH-Catanduanes, bubuo ng rescue team na tutulong sa pag responde at pagbibigay asistensya sa mga panahon ng sakuna at kalamidad sa lalawigan

CATANDUANES—Pinaplano ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Catanduanes ang pagbuo ng isang rescue office at rescue team na tutulong sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa pag responde tuwing nagkakaroon ng sakuna at kalamidad sa islang lalawigan.

Sa isang panayam inihayag ni DPWH Catanduanes District Engineer Gil Balmadrid, na kasakulukuyan nang isinasailalim sa response training ang mga personahe ng kanilang ahensya na silang tutugon at aatasang magbigay ng serbisyo tuwing panahon ng kalamidad at may mga magaganap na aksidente.

Suportado rin umano ng Philippine Red Cross ang kanilang hakbang na ito at katunayan ay mayroon na silang Memorandum of Agreement hinggil dito.

Dagdag pa ni Balmadrid, inaasahan na rin ng naturang ahensya ang pagdating ng mga binili nilang heavy equipments na gagamitin sa pag responde sa anumang sakuna.

Ang kanilang binubuong team ay magiging ‘force multiplier’ ng PRC at iba pang Disaster Offices sa lalawigan na nakahandang rumesponde at magbigay asistensya kung kinakailangan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *