DPWH magde-deploy ng ‘Lakbay Alalay’ teams para tumulong sa mga motorista ngayong Undas

Nakatakda ring mag-deploy ng mga personnel ang Department of Public Works and Highways sa iba’t ibang bahagi ng bansa para masiguro ang maayos na paggunita ng Undas.

Sa isang pahayag, sinabi ni DPWH Secretary Manny Bonoan na ni-reactivate nila ang oplan ‘Lakbay Alalay’.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng mga personnel sa mga strategic locations mula October 28 hanggang November 2.

Pangunahing layunin ng mga teams na ipakakalat ay ang pag-assist sa mga motoristang ba-biyahe ngayong Undas, pagresponde sa mga emergency, pati na rin ang maintenance sa iba’t ibang mga kalsada.

Inatasan din ng Kalihim ang kanilang mga regional at district offices na siguruhing mayroong mga sapat na signages sa mga ruta papunta sa mga sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *