DPWH magpapatupad ng 70,000 mga proyekto ngayong taon

Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na higit 70,000 mga proyekto ang kanilang ipatutupad ngayong taon gamit ang budget allocation na P890 billion.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Bonoan na kasama sa mga sa naturang mga proyekto ang mga major projects at local projects sa buong bansa.

Kasali na rin umano rito ang tulay na magkokonekta sa probinsya ng Cavite at Bataan upang mas mapaikli ang travel time sa pagitan ng dalawang lugar sa dalawang oras.

Ayon kay Bonoan, inaasahang matapos ang proyekto sa loob ng limang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *