Dr. Raquel Fortun iimbestigahan ang mga kalansay na narekober sa DOJ

Nakipagpulong na ang Department of Justice (DOJ) kasama ang ilang mga anthropologists at top forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun para imbestigahan ang mga kalansay na narekober sa loob ng compound ng Kagawaran sa Maynila.

Ayon kay Justice Spokesperson Mico Clavano, ito ay para matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng mga skeletal remains, pati na rin kung anong taon ito nailibing.

Aminado si Clavano na maging sila ay blangkong mayroon palang mga labi na nakalibing sa ipinatatayong library sa Justice Center Building 2.

Samantala, kinumpirma rin ng opisyal na ang mga nahukay na kalansay ay maaaring nagmula sa tatlo hanggang limang mga tao.

Sa susunod na linggo ay inaasahang malalaman na ang resulta ng imbestigasyon at forensic examination sa mga labing nahukay sa DOJ compound.
#

RELATED STORY:

Kalansay, narekober sa DOJ compound sa Maynila

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *