Dr. Tony Leachon – nagbitiw sa puwesto bilang isang special adviser ng DOH

Nagbitiw na sa puwesto bilang special adviser ng Department of Health (DOH) ang public health advocate at dating adviser ng NTF vs COVID-19 na si Dr. Tony Leachon.

Saktong isang buwan pa lamang ang nakalilipas nang i-appoint si Leachon bilang special adviser for noncommunicable diseases ng DOH.

Sa liham ni Leachon kay Health Sec. Ted Herbosa – sinabi nitong ang kaniyang resignation ay bunsod ng mga ‘personal reasons’.

Bago ito, matatandaaang kinuwestyon ni dating Health secretary at ngayo’y Cong. Janette Garin ang appointment ni Leachon sa budget briefing ng DOH sa Kamara.

Sabi kasi ni Garin – kuwestyonable raw ang P100,000 na sahod sa kaniya gayong ‘di umano ay ‘di naman daw siya totoong public health expert.

Sagot dito ni Leachon – nagsilbi raw itong ‘eye-opener’ lalo na’t ayaw na niyang depensahan ang sarili niyang qualifications sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *