Dracula’s castle sa Transylvania, ginawang COVID-19 vaccination center

Imbes na bakat ng pangil sa leeg, bakas ng injection sa braso ang makikita sa mga bibisita sa 14th century Bran Castle.

Ito ay matapos mapagdesyunan ng gobyerno ng Romania na gawin itong COVID-19 vaccination center.

Ang makalumang kastilyo ay naging tourist attraction sa historical region ng Transylvania matapos itong maitampok sa best selling 1897 novel ni Bram Stoker na “Dracula”.

Ayon sa marketing director na si Alexandru Priscu, kahit sinong residente sa kanilang bansa ay pwedeng pumunta sa weekend kahit walang appointment para magbakuna at libre na itong makakapag-ikot para sa masaksihan ang exhibit ng nasa 52 medieval torture instruments. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published.